Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 15 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras.
Base sa bulletin ng Phivolcs, nagbuga ng nasa kabuuang 724 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan.
Hindi masukat ang taas ng plume na ibinuga ng bulkan dahil sa natatakpan ng ulap ang bulkan,
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang alert level 1 o low level unrest sa Bulusan Volcano.
Kung kayat nananatili na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius mula sa Permanent Danger Zone at pagpasok ng walng pagiingat sa 2km Extended Danger Zone at paglipad ng anumang aircarft malapit sa tuktok ng bulkan.
Paalala ng Phivolcs na posible pa rin ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions ng bulkan.
Home Environment
15 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras – Phivolcs
-- Advertisements --