GENERAL SANTOS CITY – Maituturing ‘ case solved’ na ang kaso sa pagpatay sa Dole Philippines Human Resource senior manager na si Christopher Cordova, 44 years old.
Ayon kay P/Major Carl Jayson Baynosa, chief of police ng San Isidro Police Station na ito ay matapos humingi ng tulong ang suspek na labing limang taong gulang sa media, na gusto nitong isauli ang cellphone ng biktima na kanyang nabili umano sa Marawi.
Dahil dito tinulungan at dinala sa lungsod ng Heneral Santos.
Sa simula ay mariing itinanggi ng suspek ang alegasyon na may kaugnayan siya sa pagpatay kay Cordova.
Pero sa kalaunan inamin nito na siya ang pumatay sa biktima.
Sinasabing mayroong sexual relationship ang dalawa na humantong sa komosyon dahil hindi umano sang-ayon ang menor de edad sa ipinagawa sa kanya.
Ang suspek ay nasa kostudiya na ng Bahay Pag-asa sa Brgy Sinawal ng lungsod.