-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Isinagawa ang Writ of demolition for forced entry sa mahigit isandaang tahanan sa Purok, 5 Lanton Barangay Apopong ng lungsod ng General Santos.

Para matiyak ang seguridad sa kasagsagan ng demolition ay naroon ang presensya ng Makar Police Station, at iba pang personahe mula sa General Santos City Police Office(GSCPO).

Ayon kay P/Major Robert Fores, hepe ng Makar Police Station, sinunod ang lahat ng pamamaraan bago isagawa ang demolisyon.

Sa kanyang pahayag na walang kagulohan sa nangyaring demolisyon.

Bago ito isinagawa tinipon muna ni Police Major Fores ang lahat ng mga kasama sa demolisyon para sa gagawing briefing.

Sa kabuuan ay nasa 8 hectares ang lawak ng lupaing pinasok at tinatayang mayroong 150 na bahay ang dinemolish.