-- Advertisements --

Umakyat pa ang bilang sa 150 ng mga doktor na namamatay sa bansang Italy dahil sa coronavirus.

Iniulat ngayon ng Italian Association of Doctors na ang naturang bilang ay nasa 10 porsyento ng mga health care professionals na kinapitan ng virus.

Binatikos naman ng grupo ang kakulangan ng gobyerno na ipatupad ng maayos ang health care systems.

Aniya, ang $27 billion na dagdag na pondo ay hindi umano garantiya sa overtime pay ng mga health workers nagsasakripisyo mula pa noong buwan ng Pebrero nang tumama ang deadly virus.

Ang Italy ang ikatlong bansa sa buong mundo na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan ang namatay ay mahigit na sa 25,000.