-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakdang isailalim sa RT-PCR test ang mga nakasalamuha ng mga empleyado ng Department of Health Center for Health Development-Western Visayas na nagpositibo sa COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Mary Jane Juanico, COVID-19 spokesperson at pinuno ng Infectious Disease Section ng DOH Region 6, sinabi nito na umabot na sa 20 empleyado ng tanggapan ang nagpositibo sa coronavirus.

Ang naturang mga empleyado ay naka-close contact ng 175 katao.

Sa nasabing bilang, 25 pa lang ang isinailalim sa swab test at may 150 iba pa na nakatakdang isailalim sa RT-PCR test.