(Update) Sumampa na sa 150 katao ang nasawi, 128 ang sugatan at 36 ang missing batay sa latest data na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC malaking porsiyento pa rin sa bilang ng mga naitalang fatalities ay hindi pa nakikilala o unidentified.
Ang Bangsamoro Autonoumous Region in Muslim Mindanao (BARMM) pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi na nasa 63, sinundan ito ng Region 6 na nasa 28.
Nasa mahigit 1.1 million pamilya o katumbas na mahigit 3.9 million katao ang naapektuhan dahil sa hagupit ng bagyong Paeng.
Umabot naman sa mahigit P2.4 billion ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura at nasa mahigit P2.8 billion naman sa imprastraktura.
Nagpapatuloy pa rin ang relief and clearing operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Paeng.