-- Advertisements --

Nasa mahigit 150 katao ang nawawala matapos ang matinding pagbaha sa northern India.

Nagmula ang nasabing baha matapos na tumama ang tipak ng yelo sa dam sa Uttarakhand.

Mabilis na inilikas ang mga residente at maging ang kalapit na naninirahan sa nasabing lugar.

Karamihang mga nawawala ay mga manggagawa mula sa itinatayong Rishiganga Hydroelectric Project.

Patuloy pa rin ang ginagawang rescue operations ng mga otoridad sa nasabing lugar.