-- Advertisements --
Nasa 150 mga katao ang patay dahil sa paglubog ng sinakyan nilang bangka sa karagatan ng Libya.
Ayon sa United Nations Refugee Agency (UNHCR) naganap ang paglubog sa karagatan ng Al-Khums sa silangang ng Tripoli, Libya.
Pawang mga migrants ang lulan ng bangka kung saan 145 dito ang nailigtas.
Kada taon ay ilang libong mga taga Libya ang naglalayag para lumipat ng tirahan sa anumang bahagi ng Europa.
Nauan rito umabot sa 686 na mga migrants ang nasawi matapos ang paglubog ng bangkang sinakyan sa Mediterranean.