-- Advertisements --

Aabot sa 150 piloto ng Pakistan International Airlines (PIA) ang sinuspendi dahil umano sa pagkakaroon ng pekeng lisensya.

Sianbi ni Pakistani Aviation minister Ghulam Sarwar Khan, na posibleng nasa 300 sa kabuuang 860 aktibong piloto sa kanilang bansa ang may peke o dinaya ang kanilang pagsusulit para makakuha ng lisensya.

Ang nasabing pagsuspendi ng mga piloto ay kasunod ng pagbagsak ng pampasaherong eroplano ng Pakistan na ikinasawi ng 97 katao.

Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon ng human error ang piloto kaya bumagsak ang nasabing eroplano.