LA UNION – Nasa mabuti umanong kalagayan ang 150 Pinoy Seaman na nakasakay sa barko na nakadaong ngayon sa Yokohama, Japan.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay news correspondent Aeron Gali Franco, na taga Barangay Tanqui, ciudad ng San Fernando, La Union, wala umanong kaso ng Covid 19 sa Yokohama ngayon kung saan bago pa sila makarating dito mula sa bansang Singapore ay naka lockdown na ang buong Tokyo.
Mahigpit aniya ang ipinapatupad ba checkpoint doon.
Ayon pa sa kanya, hindi sila nagkukulang sa pagkain dahil supisyente ang supply ng mga ito.
Hindi naman problema ang perang ipinapadala nila sa kanilang pamilya dahil sa diretso nila itong matatanggap.
Gayunman, may pangamba rin sila sa nasabing sakit dahil sa may iba naman silang lahi na kasama sa loob ng barko at hindi rin nila alam kun saan galing yung mga pumapasok na pagkain ng mga ito.