LAOAG CITY – Tuwang-tuwa si Miss Ystiel Mina, taga Ilocos Sur pero kasalukuyang nagtatrabaho sa Russia dahil isa siya sa mga napiling makikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, umabot sa 5,000 Pilipino ang ang sumulat sa embahada pero 1,500 lamang silang nakuha dahil maliit lamang ang venue.
Kwento niya na noong nag-post ang embahada noong Setyembre 25 marami na agad ang sumulat at nagpapasalamat dahil isa siya sa mga nakuha.
Sinabi ni Mina na bago pa ang pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Russia ay nakapagkasundo na silang mga Pilipino na napiling makipagpulong sa kanya na iisa lamang ang hihilingin nila, ito ay ang paglagda nila ng kasunduan kay President Vladimir Putin para maging legal na ang kanilang pagtatrabaho sa nasabing bansa.
Kinumpirma ni Mina na karamihan sa kanilang Pilipino sa Russia ay undocumented pa kaya umaasa na matupad ang inaasam nila.
Dagdag niya na dahil undocumented pa sila ay hindi akma ang nakalagay sa kanilang visa sa totoong trabaho nila sa Russia.