-- Advertisements --
Aabot sa 1,500 flights ang nakansela sa US dahil sa inaasahang pagtama ng malakas na bagyo sa East Coast.
Ayon sa FlightAware na halos 1,500 flights ang nagkansela palabas at papasok sa US.
Sa Logan airport ng Boston pa lamang kung saan mayroong 231 flights ng Delta Air Lines at JetBlue ang nagkansela.
Nasa mahigit 200 flights ang naitala sa New York airports kabilang ang John F. Kennedy at LaGuardia.
Magdudulot umano na pag-ulan ng makapal na yelo na makakaapekto sa 75 milyong katao.