DAVAO CITY – Aabot sa 1500 na mga Persons Who Used Drugs (PWUDs) ang dumalo sa Buhay Ingatan,Droga’y Ayawan ” program na inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Layunin ng programa na palakasin pa ang edukasyon ng mamamayan tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng iligal na droga.
Ang nasabing programa ang inilunsad din simultaneously sa ibang parte ng Pilipinas gaya na lamang ng Cebu, Cagayan at Quezon City.
Dito sa Davao, ang programa ay dinaluhan ng mga personahe ng iba’t-ibang ahensya gaya na lamang ng Davao City Police Office, Bureau of Fire Protection, Philippine Drug Enforcement Agency, Barangay Anti-Drug Abuse Council, at City Anti-Drug Abuse Council.
Alas singko pa lamang ng umaga ay sinimulan na ang iba’t-ibang aktibidad gaya na lamang ng Walkathon, Zumba, Street Parade at Band Performance.
Isinagawa rin kanina ang unveilling ng logo habang nagbigay naman ng mensahe sa pamamagitan ng video message si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ng pangulo na upang matigil ang paggamit ng iligal na droga, kinakailangan ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan at hindi lamang iasa sa otoridad ang kinabukasan ng mga kabataan.