Aabot sa 15,000 hiwalay ng kaso ng anomalya sa benefit claims ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang nakatakdang imbestigasahan ng tanggapan kasabay ng pag-upo sa pwesto ng bagong pinuno nito.
Nitong araw nang aminin ni bagong PhilHealth president and CEO Ricardo Morales na bukod sa pekeng dialysis ay naging istilo rin ng mga abusadong opisyal ang paggamit ng malalang sakit para makakubra ng pera mula sa benepisyo ng mga pasyente.
“We would like to resolve these issues as soon as possible, but I cannot give a timeline. We have 12 lawyers and then their assistants, and then they are masticating about 15,000 cases.”
Nasa 400 ospital at klinika, pati mga doktor umano ang iniimbestigahan ngayon ng naturang government-owned and controlled corporation.
Tinataya namang nasa P300-milyon ang halaga ng claims na nabulsa mula sa mga iligal na transaksyon.
“We will investigate each and every one of these cases to be sure that justice gets served—make an example so that the others will be deterred.”
“It depends on how you interpret it. But the way I interpret it, make an example of what happens to a wrongdoer, file a case, and throw him in jail.”
Sa ngayon target ni Morales na matapos ang pagsisiyasat bago magsimula ang implementasyon ng Universal Healthcare Law sa Setyembre.
At kaugnay nito nas din daw ng opisyal na balasahin ang mga kawani ng PhilHealth bilang basbas na rin na ibinIgay sa kanya ng Pangulong Duterte.
“To be candid about it, sabi ni President, ‘Sampolan mo’ (ang mga pasaway),” ani Morales.