-- Advertisements --

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sa nangyaring malaking sunog sa isang slum area sa Bangladesh, dahilan para mawalan ng tirahan ang nasa 50,000 katao.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nasa 15,000 kabahayan ang tinupok ng apoy sa bahagi ng Chalantika nitong Biyernes.

Karamihan din umano sa mga bahay ay yari sa plastic na bubong, na naging isa sa mga dahilan upang mabilis na kumalat ang sunog.

Wala namang napaulat na namatay sa insidente ngunit may mangilan-ngilan namang naitalang sugatan.

Inaalam pa sa ngayon ang pinagmulan ng sunog.

Tiniyak naman ng gobyerno na mabibigyan ng tulong ang libu-libong nawalan ng tahanan. (BBC)