CAUAYAN CITY -Umabot sa 152 baboy ang muling isinailalim sa culling ng Department of Agriculture (DA) region 2 matapos na magpositibo ang mga ito sa African Swine Fever (ASF) sa Barangay Raniag Ramon Isabela.
Sa ngaing panayam ng Bombo Radyo Cauaya kay Da Regional Director Narciso Edillo sinabi niya na maging sila ay nabigla dahil sa hindi inaasahang pagklakaroon ng ASF matapos na matagumpay na macontrol ng pamahalaang lokal ng Ramon ang galaw ng mga tao dahil sa ECQ at GCQ.
Aniya unang nakatanggap ng ulat mula sa isang concerned citizen ang kanilang tanggapan kaugnay sa isang piggery na namatayan ng mga alagang baboy noong April 28, 2020.
Sa pagtugon ng mga kasapi ng DA katuwang ang Lokal na pamahalaan ng Ramon puwersahang pinasok ang piggery makaraang hindi papasukin ng hog raiser .
Kaagad kinunan ng blood samples ang mga baboy at nang magpositibo sa ASF virus ang nasa 152 na baboy ay agad na isinailalim sa culling.