Patuloy pa rin sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na iulat ng Department of Health (DOH) ang 1,547 na karagdagang mga kaso.
Nasa ikalimang araw na ngayon na mababa sa 2,000 ang naitatala ng DOH na nahahawa sa sakit sa kanilang daily tally.
Sa kabuuan ang mga tinamaan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,818,511.
Meron namang mga naitalang 2,601 na bagong gumaling.
Sa kabuuan ang mga nakarekober sa coronavirus sa bansa ay nasa 2,601 na.
Samantala marami pa rin naman ang bagong nadagdag na pumanaw na nasa 128.
Ang death toll sa Pilipinas mula noong nakalipas na taon ay umaabot na sa 45,709.
Mayroon namang tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“16 duplicates were removed from the total case count. Of these, 12 are recoveries. Moreover, 109 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng DOH advisory. “All labs were operational on November 13, 2021 while 3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 3 non-reporting labs contribute, on average, 0.7% of samples tested and 0.3% of positive individuals.”