-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health na nakapagtala sila nang panibagong 15,566 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 2,565,487.

Ang mga active cases ngayon o mga pasyente sa buong bansa ay nasa 130,268.

Samantala ay mayroon namang naitalang bagong 23,483 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober na pasyente sa Pilipinas ay umaabot na sa 2,396,726.

Habang nasa 199 naman ang mga bagong pumanaw.

Ang death toll dahil sa deadly virus ay nasa 38,493.

Meron namang limang laboratoryo na nabigong makapagsumite ng datos sa DOH.

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (130,268) ang aktibong kaso, 93.4% (2,396,726) na ang gumaling, at 1.50% (38,493) ang namatay,” bahagi ng DOH advisory. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 29, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”