Magpapadala ang Philippine National Police Special Action Force ng nasa 156 troopers na makikilahok para sa ika-39 na Balikatan Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay PNP SAF Director, PMGen. Bernard Banac, nakahanda na ang kanilang hanay para sa makilahok sa gaganaping sa joint military exercises na magsisimula sa Abril 22 hangang Mayo 10, 2024.
Aniya sa pamamagitan nito ay inaasahan niyang mas mapapalakas pa ang kanilang interoperability, collaboration, at coordination kasama ang mga kaibigan, partners, at mga kaalyado ng kanilang ating bansa.
Kaugnay nito ay naniniwala si Banac na ang kanilang magiging paglahok sa naturang pagsasanay ay magbibigay sa kanilang hanay ng oportunidad na mag-obserba, matuto, at makakuha ng mga bagong karanasan sa lahat ng mga domain operations, command control, at maging sa cybersecurity.
Kung maaalala, bago pa man ito ay una nang binuksan ng SAF ang kanilang local training na rapid deployment by air: Basic Airborne Course class 57-2024 sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa City, Laguna.