-- Advertisements --
Pumalo na sa 158 na lugar sa buong bansa ang nadeklara ng state of calamity dahil sa bagyong Kristine.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang pinakamarami ay ang Bicol region na mayroong 78 na lugar na sinundan ng Calabarzon na mayroong 63 at Eastern Visayas na mayroong 13.
Ang mga probinsiya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes ganun din ang Bulan sa Sorsogon ang siyang mga lugar na pinakahuling nagdeklara ng state of calamity.
Sinabi naman ni NDRRMC spokesman Edgar Posadas na nagsasagawa pa rin silang mga validation sa tunay na bilang ng mga nasawi na unang naiulat na nasa 100 na.