Lomobo pa ngayon sa 514,996 ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula noong nakalipas na taon.
Sa latest data na inilabas ng Department of Health (DOH) merong nadagdag sa nakalipas na 24 oras na umaabot sa 1,581 na mga bagong infections.
Ang mga dagdag na kaso ay hindi pa kasama rito ang mula sa apat na mga laboratoryo.
Pinakabago sa maraming nadagdag na mga lugar na COVID-19 cases ay mula sa Quezon City na may 89, Cebu City 88, Cavite province nasa 80, Davao City merong 78 at sa Cebu province na may bagong 50 mga infected.
Samantala ayon pa sa ulat ng DOH nasa 50 ang mga namatay na may kinalaman pa rin sa COVID kung saan ang death toll ay nasa 10,292.
Meron din namang 13 mga nakarekober na mga pasyente para madagdagan din ang mga gumaling sa bansa na nasa 475,422 na.
Sa ngayon ang mga active cases sa Pilipinas ay nasa 29,282 na o katumbas ng 5.7 percent sa cumulative total.