-- Advertisements --
Mobile Devices

Target ilunsad ng Department of Information and Communications Technology ang nasa mahigit 15,000 Wi-Fi sites sa taong 2023.

Sa year-end report ng DICT, ibinahagi ng Palasyo na ang planong ito ay layunin na malinang pa ang digital infrastructure ng bansa at maitaguyod ang pamumuhunan gayundin mapalakas ang bureaucratic efficiency.

Plano din ng DICT na makumpleto ang broadband ng Masa’s Luzon Bypass Infrastructure (LBI) Phase 1 sa first half ng 2023, kabilang dito ang paglulunsad ng libreng wi-fi sites at pagpapaganda pa ng satellite connectivity kaagapay ang Starlink at Satellite Systems Providers and/or Operators (SSPOs).

Para naman mai-promote ang investments, magtatalaga ang Digital Cities Program ng mga lokasyon ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sa 31 lungsod sa taong 2025 para makalikha ng mas maraming trabaho dito sa ating bansa.

Bagamat hindi na tinukoy pa kung saan partikular na mga lugar ilalagay ang libreng Wi-Fi sites.