-- Advertisements --
parade pnoy cemetery

Inihatid na sa kanyang huling hantungan si dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Tulad ng unang naiulat, inilibing ang urn kung saan naroon ang mga abo ng dating pangulo katabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino.

Binigyan din ng arrival/military honors ang dating pangulo pagkadating sa Memorial Park, mula sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University.

pnoy internment honor

Nagdaos kasi muna ng misa bandang alas-10:00 ng umaga sa Church of Gesu na dinaluhan ng pamilya sa pangunguna ng Aquino sisters na sina Ballsy, Pinky, Viel at bunsong si Kris.

Magkahawak ng kamay si Kris kasama ang bunsong anak na si Bimby nang dumating para sa huling misa alay sa kanyang kuya Noy.

Pawang nakasuot ng face mask at face shield ang mga nagsipaglibing.

Si Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang nagbigay ng Homily sa naturang funeral mass kung saan kanyang sinabi na ang “focused vision” ang naging sentro ng liderato noon ni P-Noy.

pnoy portrait

“What a brave, headstrong visionary he was. His death will spark another fire within us— to resurrect his example of decency and integrity. There is a new great Filipino in heaven, joining his great Filipino parents. Kami pong boss ninyo ay nagpapasalamat sa inyo. May you find the rest that Earth failed to give you,” bahagi pa ng Sermon ni Archbishop Villegas.

Samantala, nangibabaw ang kulay dilaw na mga bulaklak sa funeral hearse na pinagsakyan sa urn ni dating Pangulong Aquino patungo sa Manila Memorial Park.

Nitong June 24 kasabay ng “Manila Day,” nang bawian ng buhay ang pang-15 pangulo ng bansa sa edad na 61 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

kris aquino pnoy urn
(Photos courtesy by OVP)