Iniulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mahigit 16.1 milyong subscriber identity module (SIM) card na nakarehistro.
Nagpapahiwatig ito ng maayos na pagpapatupad ng SIM Card Registration Law.
Batay sa mga tala na ibinigay ng National Telecommunications Commission, mayroon na ngayong 16,150,926 card na nakarehistro, na 9.56 porsiyento ng 170 milyong SIM sa buong bansa.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at spokesperson Anna Mae Lamentillo na patuloy na pinapabuti ng mga Public Telecommunications Entities (PTE) ang proseso upang matiyak ang maayos na karanasan sa pagpaparehistro para sa mga end-user.
Hinikayat din ng kagawaran ang publiko na magparehistro ng maaga at iwasan ang last-minute registration.
Pinapaalalahanan din ang mga Pilipino na maging mapagmatyag habang tinatapos nila ang proseso.