-- Advertisements --

Patay ang 16-anyos na French climber matapos na mahulog.

Douady Luce
Luce Douady/ IG post

Kasama ni Luce Douady ang kaniyang mga kaibigan ng ito ay mahulog sa matarik na bahagi ng Crolles sa Isère department, Southern France.

Hindi nailigtas ito ng kaniyang mga kasamahan dahil sa bilis aniya ng pangyayari.

Itinuturing na isang “promising climber” ng French Federation of Mountaineering and Climbing (FFME) si Douady.

Noong nakaraang taon ay nagwagi ito sa Youth World Championships title sa bouldering Arco, Italy at naging pang-lima sa International Federation of Sport Climbing (IFSC) Boulder World Cup circuit sa Vail, US.