-- Advertisements --

Ginulat ng 16-anyos na Iranian chess prodigy ang mundo ng chess ng talunin nito si World Chess Champion Magnus Carlsen sa Banter Blitz Cup.

Nakuha ni Alireza Firouzja premyo na $14,000 ng biguhin ang Norweigan player.

Ang online quickfire knockout contest ay ginagawa sa pamamagitan ng pag-comment ng mga manlalaro ng kanilang moves.

Itinuturing na siya ang pangalawang pinakabatang manlalaro na umabot sa 2700 Federation Internationale des Echecs (FIDE) rating ang ranking para sa international chess competition.