-- Advertisements --

DAVAO CITY – Hindi na umabot sa hospital ang isang 16 anyos na babae matapos itong magbigti.

Una nito, agad na rumesponde ang mga miyembro ng San Pedro PNP matapis makatanggap ng tawag patungkol sa suicide incident na nangyari sa 52-5, Garcia Heights, Brgy., 19-B nitong lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakilala ang biktima na si Mary Rose Rosalita Ullege, grade 11, residente sa nasabing lugar.

Nadiskobre na lamang ng kanyang step father na si Andreo Folmentera Abjelina, 36 anyos, residente sa nasabing lugar ang biktima na nagbigti gamit ang senturon dahilan na agad silang tumawag ng ambulansiya.

Sinubukan pang iligtas ng mga medics ang biktima at isinugod sa SPMC ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Nabatid na nakaranas ang biktima ng bipolar disorder at may history rin ng pagpapakamatay sa loob ng ilang beses.

Na-obserbahan rin ng pamilya nito na “anxious” ang biktima sa loob ng ilang mga araw.

Walang nakitang “foul play” ang otoridad sa pagkamatay ng biktima ngunit nagpapatuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon.