-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagbigti ang isang dalagita dahil sa suliranin sa pamilya sa Barangay Darubba, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Larry Pingkihan, hepe ng Quezon Police Station na napuno ng problema ang 16-anyos na dalagita dahil bukod sa naghiwalay ang kanyang mga magulang ay lasenggo pa ang kanyang ama at walang pakialam sa pamilya.

Nauna na anyang nagtangkang magpakamatay ang dalagita ngunit napigilan.

Lumabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na palagi umanong binabanggit ng dalagita sa kanyang kasintahan ang suliranin sa kanyang pamilya.

Mayroon anyang concerned citizen ang nagsumbong sa himpilan ng pulisya ukol sa pagpapakamatay ng isang tao at nang kanilang tinugunan ay nadatnan ang dalagitang nakabitin na wala nang buhay.