-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang estudyante nang makagat ng aso sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Pinky Tuble, 16, Grade 10 sa M’lang National High School.

Ayon sa pamilya ng dalagita na noong buwan pa ng Disyembre sa nakalipas na taon nang makagat ito ng aso.

Pinatandok lamang ang biktima ng kanyang mga magulang at hindi na dinala sa pagamutan.

Per bago lang binawian ng buhay ang dalagita ng kumalat sa kanyang katawan ang rabies ng aso.

Nagpaalala naman ang mga kawani ng M’lang Municipal Health Office sa publiko na agad dalhin sa pagamutan kung may makagat ng aso, ahas at iba pa para malapatan ng lunas o magamot ng mga doktor.