-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay on the spot ang isang binatilyo sa nangyaring pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Norhamin Marquez,16, residente ng Barangay Central, Labas, Midsayap, Cotabato.

Ayon kay Midsayap chief of police Lieutenant Colonel Rolly Oranza na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga residente ng Barangay Lagumbingan sa bayan ng Midsayap.

Nang magresponde ang mga barangay tanod sa lugar kung saan narinig ang putok ay dito na nakitang nakahandusay at wala ng buhay si Marquez.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima dahilan para agad itong bawian ng buhay.

Narekober naman sa crime scene ang motorsiklo at ilang personal na kagamitan ni Marquez.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap Municipal Police Station sa pamamaril sa biktima.