-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Drug cleared na umano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 16 na barangays sa Kabacan, North Cotabato.

Ito ay kinabibilangan ng Barangay Bangilan, Bannawag, Buluan, Katidtuan, Kilagasan, Malamote, Malanduague, Nangaan, Osias, Upper Paatan, Pisan, Salapungan, Sanggadong, Simbuhay, Simone, at Tamped.

Bunga daw ito ng pagnanais nina Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., at mga otoridad na malinis ang kanilang bayan sa ipinagbabawal na droga.

Ayon kay PDEA-12 Regional Director Naravy Duquiatan na mula Enero hanggang Hunyo 25 ng taon drug cleared na ang 16 na brgys sa bayan ng Kabacan.

Pangatlo din ang bayan ng Kabacan na idineklara ng PDEA XII sa lalawigan ng Cotabato na may mga drug cleared barangays.

Nagpasalamat naman si Mayor Guzman Jr sa PDEA 12,pulisya at DILG na bumubuo ng konsehong tagapanuri.

Hinamon ng opisyal ang mga barangay na natitira na hindi pa drug cleared na paghusayan pa ang kanilang gawain at tiniyak nito ang buong suporta ng bayan ng Kabacan sa kanilang mithiin.

Binigyang pansin rin ni Mayor Guzman ang pagbabago ng pagkilatis ng PDEA sa mga barangay na ideniklarang drug cleared.