-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot na sa 16 na bayan sa Lalawigan ng Iloilo ang isinailalim ng Commission on Elections (Comelec) sa “election hot spots.”

Ayon kay Atty. Roberto Salazar, provincial Comelec supervisor sa Iloilo, sa kanilang record ay tatlong mga bayan ang isinailalaim sa red category; siyam sa orange category at apat naman sa yellow category.

Ayon kay Salazar, isasailalim sa yellow category ang isang lugar kung mayroong intense political rivalry, may presensya ng private armed groups, may insidente ng election related violatence noong nakaraang halalan at may kag presensya ng rebeldeng New Peoples Army (NPA).

Orange category naman ang mga lugar kung may presensya ng teroristang grupo.

Red category kapag ang lugar kapag kumbinasyon na ng yellow at orange category ang sitwasyon sa lugar.

Napag-alaman na ginagamit ng ilang nga kandidato sa Iloilo ang mga private armed groups sa pananakot ng mga botante at inuutusan rin ang mga ito na magsagawa ng indirect vote buying.