CENTRAL MINDANAO-Nagbalik-loob sa gobyerno ang labing anim ng mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang mga rebelde ay mga tauhan nila Kumander Bungos at Kumander Kagui Karialan.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na Sumuko ang 16 BIFF sa tropa ng 92nd Infantry Battalion Philippine Army ng Ist Brigade Combat Team sa Barangay Meta Datu Unsay Maguindanao.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataas na uri ng armas na kinabibilangan ng pitong Caliber 30 M1 Garand Rifles, (1) 5.56mm Sniper Rifle, (1) 7.62mm Sniper Rifle,(1) 7.62mm M14 Rifle,(1) Rocket Propelled Grenade (RPG-2), (1) converted 7.62mm Rifle,(2) .50 Cal Barrett Rifles, (1) Improvised Grenade, (1) Improvised Explosive Device (IED),mga bala at mga magasin.
Pormal namang tinanggap ni 1st Brigade Combat Team Brigade Commander Bregadier General Ignatius Patrimonio ang mga rebelde.
Nagpasalamat si MGen Uy sa pulisya at mga lokal na opisyal sa Maguindanao na tumulong sa mapayapang pagsuko ng mga rebelde.
Hinikayat muli ni Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.