-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Pagod na at gustong mamuhay ng mapayapa ng labing anim (16) na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ba sumuko sa mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade na sumuko ang 16 BIFF sa tropa ng 33rd Infantry Battalion Philippine Army at Ist Mechanized Brigade.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang sniper rifle caliber.50 barret,dalawang M1 Garand rifles, 1 M14 rifle, 1 M16 rifle, 1 RPG, isang 60 mm mortar, mga bala,mga magazine at pampasabog.

Ang 16 BIFF ay mga tauhan ni Kumander Guiabar Simpal sa ilalim ng grupo ni Ustadz Karialan.

Nangako sa Islamic rites (Quar’an) ang mga rebelde na handa silang makipagtulungan sa gobyerno sa kapayapaan at pagtugis sa mga terorista.

Nagpasalamat naman si Ist Mechanized Brigade Defuty Commander Colonel Ferdinand Lacadin sa LGU-Datu Abdullah Sangki na tumulong sa negosasyon sa pagsuko ng 16 BIFF.

Nakatanggap ng bigas at cash assistance ang mga rebelde na inabot mismo ni Datu Abdullah Sangki Mayor Datu Pax Ali Sangki Mangudadatu.