-- Advertisements --
cocaine surigao del norte PNP
Previously recovered cocaine in Surigao del Norte (file photo from PNP, PDEA)

BUTUAN CITY – Natanggap na ng mangingisdang si Jolan Pucot, 25, residente ng Purok 2, Brgy. Handamayan, sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur ang reward para sa 18 na bloke ng floating cocaine na kanyang natagpuan.

Ayon kay Brig. Gen. Gilberto Cruz ng Police Regional Office (PRO-13), dalawa sa 18 bloke lang ng nasabing cocaine ang pinapa-convert ni Pucot sa dalawang sakong bigas habang ang 16 na bloke ay kanya namang pinapalitan ng tig-P2,000.

Ayon kay Cruz, kakaiba ang natagpuang cocaine ni Pucot dahil sa mga marka na nakasulat dito.

Nauna nang pinuri ni Deputy PNP chief for Operations Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa ang initiative ni Cruz na magbigay ng reward sa makapag-turnover nga bloke-blokeng cocaine.