-- Advertisements --
image 32

Umabot na sa 16 ang kumpirmadong patay matapos ang pagbaliktad ng isang crane sa isang construction site sa India.

Nangyari ang aksidente sa Shahapur, 80km ang layo mula sa Mumbai.

Batay sa ulat ng National Disaster Response Force ng India, ang bumaliktad na crane ay ginagamit ng mga construction workers sa kanilang paggawa sa highway kasama ang isang tulay sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang tunay na dahilan ng pagbaliktad nito ngunit kinumpirma na ng National Disaster Response Force na kabuuang 16 sa mga construction workers na kasalukuyang nagtatrabaho sa mga oras na iyon, ay dead on the spot.

Marami sa mga ito ay naputulan ng bahagi ng kanilang mga katawan, habang ang iba na nakaligtas ay kinailangan pang dalhin sa ospital dahil sa kanilang pagkaipit.

Nangako naman si Indian Prime Minster Narendra Modi na tutulungan ng pamahalaan ang pamilya ng mga nasawi at maging ang mga nasugatan.

Bibigyan ng 200,000 rupees ang pamilya ng mga nasawi habang 50,000 rupees ang mga nasugatan.