-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang nasa 16 na dayuhan dahil sa paglabag sa social distancing at paggamit ng iligal na droga.

Sinabi ni Makati City Police Investigation chief Major Gideon Ines Jr, agad nilang tinugunan ang reklamong ipinarating sa kanilang opisina na mayroong mga dayuhan na lumalabag sa social distancing sa isang bar.

Pawang mga Cameroonians ang mga naarestong dayuhan kung saan may ilan pa na naaktuhang gumagamit pa ng iligal na droga.

Kasama ng PNP Makati ang Special Weapons and Tactics at Tactical Motorcycle Riders Units at tinungo ang mga D’Evolution Bar sa Mariano Street, Barangay Poblacion.