-- Advertisements --
beirut Lebanon explosion aftermath

Nasa 16 na empleyado ng Beirut ports ang nakakulong na matapos maganap ang napakalakas naa pagsabog na ikinasawi ng 137 katao at ikinasugat ng mahigit sa 5,000 iba pa.

Sinabi ni Government Commissioner to the Military Court Judge Fadi Akiki, may ibang opisyal pa ng port ang kanilang iniimbestigahan.

Karamihan sa mga naimbestigahan ay ang in-charge sa pagtatago ng nasa 2,750 toneladang ammonium nitrate na nakaimbak ng ilang taon na.

Sinasabing naging mabilis ang ginawang pag-iimbestiga kung saan pagkatapos ng insidente ay agad na inusisa ang puno’t dulo ng naturang kalamidad.

Sa ngayon nasa 18 katao na ang nakwestiyon ng mga imbestigador kabilang na ang mga opisyal ng Port of Beirut, Customs Department at mga kawani ng Warehouse 12.

Liban sa mga inaresto, iniutos din ng central bank ng Lebanon na ma-freeze ang mga bank accounts ng mga pinuno ng port at customs kasama na ang limang iba pa.