NAGA CITY – Tinatayang aabot sa 16 na mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-Camsur) isinailalim sa self quarantine sa paniniwalang nakasalamuha ang isang Person Under Monitoring (PUM) sa Coronavirus Disease.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay DSWD-Bicol Regional Director Arnel Garcia sinabi nito na nagkaroon lamang umano ng takot ang nasabing mga empleyado sa paniniwalang nahawa ang mga ito ng nasabing sakit.
Ngunit ayon kay Garcia, nagkonsulta na ang nasabing mga empleyado sa doctor at napag desisyonan na mag self quarantine nalamang muna habang hinihintay ang resulta ng gingawang examinasyon. Habang hindi rin matiyak kung ang nasabing PUM galing sa Manila o may travel history sa ibang bansa.
Ayon dito, dahil isa sa mga frontline agency ang nasabing ahensya, mas mataas talaga ang tsansa na makasalamuha ang nasabing mga infected person.
Ngunit ayon kay Garcia sa ganitong panahon wala naman umanong magagawa ang kanilang ahensya kung saan mag-ingat na lamang at protektahan ang kanilang sarili.
Nagsasailalim na ang nasabing mga empleyado sa work from home habang nagsagawa na rin ng reinforcement ang ahensya upang patuloy ang operasyon dahil ito ang nangunguna sa relief operation sa probinsya.