-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sumailalim ang mga 16 na empleyado ng Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ) sa swab test matapos nilang makasalamuha ang kasamahan na nagpositibo sa covid-19 o si IN-C193 na taga Brgy. Raraburan dito sa lungsod ng Laoag.

Ayon kay Major Roxanne Parado, ang head ng Emergency Operation Center for COVID-19 Contact Tracing, maliban sa mga empleyado ay sasailalim rin sa RT-PCR test ang mga ilang preso.

Inihayag nito na si IN-C193 ay isa sa mga 12 primary contact ni IN-C187 na empleyado ng provincial government.

Ganunpaman, sinabi ni Parado na agad namang nadetermina ang mga posibleng close contacts ng mga ito at mabalin ang naging aksyon ng lokal na pamahalan ng lungsod.

Sa ngayon ay kasalukuyang naka-quarantine ang mga empleyado na sumailalim sa swab test sa mismong quarantine facility ng INPJ.