-- Advertisements --

Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang 16 na indibidwal kabilang na ang 12 foreign nationals matapos tumaob ang sinasakyan nilang tourist boat sa baybayin ng Red Sea sa Egypt.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang yateng Sea Story ay may lulan na 44 katao kung saan 31 dito ay mga turista habang ang nalalabing bilang ay mga crew na nagsasagawa ng multi-day driving trip.

Bago ang insidente ay tinamaan ng malaking alon ang naturang sasakyang pandagat na siyang dahilan para tumaob ito sa kalagitnaan ng Red Sea malapit sa siyudad ng Marsa Alam.

Sa ngayon ay 28 sa 44 na indibidwal ang naligtas at agad na narescue ng mga otoridad para dalhin sa ospital upang makatanggap ang mga ito ng paunang lunas.

Samantala patuloy namang pinaghahanap pa ang 16 na iba pa na siyang kabilang sa mga sakay ng tumaob na barko.