-- Advertisements --

Inilikas na ang mga residente sa paligid ng bulkan sa La Soufrière, Eastern Caribbean Island ng St. Vincent dahil sa pag-alburuto nito.

Ito ang unang pagiging aktibo ng Saint Vicent mula noong 1979.

Ang pinakagrabeng pag-alburoto nito ay naitala noong 1902 na ikinasawi ng mahigit 1,000 katao.

Nabigyan ng temporaryong tirahan ang mga lumikas na mga residente.

Nagtala rin ng mahigit 20 explosive eruptions ang bulkan sa St. Vincent.