-- Advertisements --
Nasa 16, 000 na mga overseas Filipino workers na naapektuhan ng coronavirus pandemic ang uuwi sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na ang nasabing bilang ay mas mababa kaysa sa inaasahan.
Sa orihinal na estimate ay aabot kasi sa 42,000 subalit may mga OFW ang hindi nakakuha ng mga kinakailangan na dokumento.
Humingi na rin ng tulong ang kalihim sa Department of Transportation at Department of Tourism para sa sasakyan ng mga pauwing OFW.
Nasa 341, 161 na mga OFW ang nawalan ng trabaho kung saan mahigit 200,000 sa kanila ang ayaw na bumalik sa Pilipinas kung saan karamihan sa mga sila ay mula sa US at Europe.