-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Atty. April Joy Balano, ang provincial election supervisor ng Commission on Elections o COMELEC-Agusan del Norte, na walang kahit na isa man lang sa 16 na mga kandidato pagka-barangay kapitan sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte na dinis-disqualify ng Commission on Elections o COMELEC, ang nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Atty. Balano na kahit puro talo ang nasabing mga kandidato, pending pa rin ang kanilang kaso sa COMELEC 2nd Division at nag-aantay na lamang na dedesisyunan.
Nilinaw ng opisyal na ang resolusyong nag-disqualify sa naturang mga kandidato ay makokonsidera pa ring moot and academic.