-- Advertisements --

Patay ang nasa 16 na katao matapos ang pananalasa ng bagyo sa karagatang bahagi ng India at southern Bangladesh.

Halos isang milyong katao rin ang inilikas dahil sa pananalasa ng bagyong “Remal” na naglandfall nitong Linggo ng umaga.

Dumaan ang bagyo sa pantalan ng Mongla sa Bangladesh at Sagar Islands ng West Bengal, India.

Karamihan sa mga nasawi ay nalunod habang ang iba ay natabunan ng mga gumuhong bahay nila.

Maraming residente rin ng India ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa bagyo.