-- Advertisements --

Nasa 16 katao ang nasawi matapos ang airstrike ng Russia sa isang pinakamalaking hardware store sa Kharkiv region sa Ukraine.

Kabilang sa nasawi ang 12-anyos na batang babae itinakbo naman sa pagamutan ang hindi bababa sa 10 katao na nagtamo ng sugat.

Ang nasabing atake ay kasunod ng pag-abanse ng Russian forces sa northeastern Ukraine.

Tinawag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na isang brutal ang nasabing pag-atake dahil marami sa mga biktima ay inosente.

Pagtitiyak nito na sila ay gaganti at hindi basta makakapasok ang Russian forces sa nasabing lugar.