-- Advertisements --

Patay ang 16 katao sa Texas at Ohio, USA matapos ang mga serye ng matinding pag-baha dulot ng malakas na bagyo ayon sa National Weather Service (NWS).

Kasama sa mga biktima ang 10 tao mula sa Tennessee at iba pang mga insidente sa Missouri, Kentucky, at Arkansas.

Kasabay nito ang mabilis na pagtaas ng mga ilog dahil sa walang patid na mga pag-ulan, at iniulat nitong araw, Sabado (Linggo sa Pilipinas) ang patuloy na mga pagbaha sa mga susunod na araw.

Ayon pa sa NWS, ilang lugar ang inaasahang makararanas ng “major flood stage,” na maaaring magdulot ng malawakang pinsala sa mga kalsada, tulay, at iba pang imprastruktura.

Nagkaroon din ng pagkaantala sa interstate commerce, partikular sa mga pangunahing hub ng kargamento sa Louisville, Kentucky, at Memphis, na maaaring magdulot ng pagkaantala sa mga suplay ng pagkain.

Ayon pa sa forecasters, ang matinding pag-ulan dulot ng masamang panahon simula pa noong Biyernes ay sanhi ng mainit na temperatura, dala ng malalakas na hangin, at pag-steam ng moisture mula sa karagatan ng Gulf of Mexico.

Iniulat pa ng NWS na mayroong dalawang tornado na naobserbahan sa Missouri at Arkansas. Isa sa mga tornado, malapit sa Blytheville, Arkansas, ay nagdala ng mga debris na umabot ng 7.6 kilometro ang taas.

Batay sa emergency management office ng Arkansas ang pinsala sa 22 county ay dulot ng tornado, malalakas na hangin, hail, at mga pag-baha.

Samantala patuloy ang pagsubok sa mga apektadong komunidad habang tumataas ang antas ng tubig baha, pinapalala pa nito ang epekto ng kakulangan ng mga tauhan ng NWS matapos kamakailang mag-cut nang tauhan ang administrasyong Trump.