-- Advertisements --
Umaabot na sa 16 na lugar sa National Capital Region (NCR) ang nakalagay ngayon sa granular lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Base sa datus ng PNP na ang 14 dito ay mula sa Northern Police District habang tig-isa sa Manila Police District at Southern Police District.
Mayroong 57 katao ang apektado ng nasabing granular lockdown.
Sa buong bansa naman ay iniulat ng PNP na mayroong 23 lugar ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa kaso ng COVID-19.