-- Advertisements --

Nasa 16 na mag-aaral ang nasawi matapos ang pagguho ng isang paaralan sa Central Nigeria.

Ayon sa mga otoridad na kasagsagan na nagsusulit ang mga mag-aaral ng Saint Academy school sa Jos North district ng Plateau State ng bumagsak ang silid aralan.

Nagsisigaw ang mga batang natabunan ng gumuhong silid aralan.

Inaasahan ng National Emergency Management Agency na tataas pa bilang ng nasawi dahil may ilang biktima na nasa pagamutan ang nasa kritikal na kalagayan.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring aksidente.

Mula pa noong 2005 ay aabot na sa 152 na gusali ang gumuho sa Lagos base na rin sa pagsasaliksik ng South African university researchers.