-- Advertisements --

Patay ang 16 magsasaka sa Nigeria matapos na sila ay pagbabarilin.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nasa 200 na mga armadong suspek na lulan ng motorsiklo ang umatake sa Yargamji village.

Dinala naman sa pagamutan ang ibang mga nasugatang biktima.

Nagpakalat naman ng mga kapulisan sa lugar para mahabol ang mga responsableng suspek.

Ang nasabing lugar ay laging inaatake ng mga nagnanakaw ng mga kalabaw at baka ng mga armadong suspek.